2 suspek sa pagpatay ng guro sa Oriental Mindoro arestado | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 suspek sa pagpatay ng guro sa Oriental Mindoro arestado

ABS-CBN News
Published Mar 31, 2021 11:36 AM PHT

Arestado ang 2 lalaki na sinasabing responsable sa pagpatay sa isang 29 anyos na guro sa Calapan City, Oriental Mindoro gabi ng Martes.

Ayon kay Lt. Col. Timoteo Esperitu, hepe ng Calapan police, nahuli sa follow-up operation sa Barangay Lumangbayan sa bayan ng Baco ang 2 suspek na may edad 30 at 33 anyos.

Narekober sa mga suspek ang isang kalibre .45 na baril, rifle, mga bala at motorsiklo.

Ayon kay Esperitu, nakilala ng ina ng biktimang si Mark Linniel Balita ang mga suspek dahil nakababa ang mga face mask nila nang barilin ang biktima.

Tumangging magbigay ng pahayag ang mga suspek kaya hindi pa rin matukoy ang motibo sa pagpatay kay Balita, na guro sa Mindoro State College of Agriculture and Technology.

Bago mag-alas-7 ng gabi noong Martes, tinambangan ng riding-in-tandem ang kotseng sinasakyan nina Balita.

Dead on the spot ang guro habang nakaligtas ang kaniyang ina at kapatid.

Ang biktima ay pinsan din ng radio anchor at negosyanteng si Carl Balita.

-- Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News
RELATED VIDEO:
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
rehiyon
regions
regional news
Calapan
Oriental Mindoro
krimen
ambush
pamamaril
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT