Mga barangay sa Cagayan de Oro, Misamis Oriental naglunsad ng 'mobile palengke' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga barangay sa Cagayan de Oro, Misamis Oriental naglunsad ng 'mobile palengke'

Mga barangay sa Cagayan de Oro, Misamis Oriental naglunsad ng 'mobile palengke'

ABS-CBN News

Clipboard

Kuha ng Villanueva PIO


VILLANUEVA, Misamis Oriental - Simula nitong Lunes, iikot sa iba't ibang barangay sa bayan na ito ang tinaguriang "mobile market," na isang trak na may karga ng iba't ibang paninda gaya ng gulay, prutas, bigas, at karne.

Inisyatibo ito ng lokal na pamahalaan para mas mapabilis ang pamamalengke ng kanilang mga residente, na hinihigpitan ang pagbiyahe para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay public information officer Cyril Cambalon Jr., bawat araw ay may schedule ang mobile market kung saang barangay ito lilibot.

"Layon ng mobile market na magkaroon ng social distancing para maiwasang mahawa sa coronavirus," ani Cambalon.

ADVERTISEMENT

Habang sa Barangay Agusan sa Cagayan de Oro City, kada linggo din iikot sa lugar ang kanilang "mobile palengke."

Dito rin mabibili ang iba't ibang uri ng gulay, karne, at isda.

Ang programa ay suportado rin ng Department of Agriculture at ng City Agricultural Productivity Office, ayon kay barangay administrator Kenneth Piloton.

Bukod sa kanilang mobile palengke, maaari din makabili sa kanilang food terminal, kung saan tumatanggap ng order online para mas mapabilis ang pagbili ng kanilang mga residente.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.