Paglilinis ng mga ilog, estero sa Metro Manila, umpisa na | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Paglilinis ng mga ilog, estero sa Metro Manila, umpisa na

ABS-CBN News
Published Mar 31, 2019 06:24 PM PHT

Sinimulan na ng iba't ibang ahensiya ng pamahalaan at volunteers ang malawakang paglilinis sa mga ilog at esterong nakakonekta sa Manila Bay.

Bahagi ang paglilinis ng ginagawang rehabilitasyon sa Manila Bay.

Isa sa mga unang tututukan sa paglilinis sa mga katubigan ay ang pagkolekta ng basura at pagbawas sa level ng bakteryang coliform, ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu.

"We're cleaning the esteros because of the basura muna then later on 'yong coliform level ng esteros," sabi ngayong Linggo ni Cimatu sa mga mamamahayag sa Estero de Magdalena sa Tondo, Maynila.

Ininspeksiyon din ni Cimatu ang Tripa De Galinna na nakakonekta sa Parañaque River, kung saan sinamahan siya nina Interior Secretary Eduardo Año at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim.

Muling iginiit ni Año sa mga opisyal ng barangay na may karampatang parusa sa mga hindi makikiisa sa lingguhang cleanup.

Aabot sa 1.2 milyong kilo ng basura ang nakuha ng mga barangay at volunteer sa mga ilog at estero sa Metro Manila sa nakalipas na 3 linggo, ayon kay Año.

"Tuloy-tuloy ito, malaking tulong ito para siguradong malinis natin," ani Año.

"'Yan ang simula, 'yan talaga ang problema eh, 'yong mga dumi sa estero," dagdag niya.

--Ulat nina Bianca Dava at Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
balita
rehabilitasyon
cleanup
Manila Bay
Estero de Magdalena
Tullahan River
Roy Cimatu
Eduardo Año
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT