Masaker? Pagkamatay ng 14 magsasaka sa Negros Oriental iimbestigahan ng CHR | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Masaker? Pagkamatay ng 14 magsasaka sa Negros Oriental iimbestigahan ng CHR

Masaker? Pagkamatay ng 14 magsasaka sa Negros Oriental iimbestigahan ng CHR

ABS-CBN News

Clipboard

Inanunsiyo ng Commission on Human Rights (CHR) nitong Linggo na maglulunsad sila ng imbestigasyon ukol sa karumal-dumal na sinapit ng 14 magsasaka sa Negros Oriental.

Umabot sa 14 ang napatay habang 12 iba pa ang naaresto sa ikinasang "anti-criminality campaign" ng Philippine National Police (PNP) laban sa mga "hardcore criminals" sa buong Negros Oriental noong Sabado ng umaga.

Pero ayon kay Kabataan Party-list Rep. Sarah Elago, mga magsasaka ang 14 na napatay ng pulisya at masaker ang nangyari.

Sabi ni CHR spokesperson Jacqueline de Guia, nais nilang malaman ang katotohanan dahil magkaiba ang sinasabi ng pulis at ng ilang grupo.

ADVERTISEMENT

"At this point, our interest is finding out the truth... The regional sub-office of CHR-Region VII has already been instructed to investigate this case... [Claims of resisting arrest] need to be tried before courts to ensure that there are no lapses and ascertain if the circumstances really warrant the offense from the police," aniya.

Ayon sa grupong Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), kabilang sa mga napaslang si Edgardo Avelino, pinuno ng isang peasant organization, at kaniyang kapatid na si Ismael.

Sabi ni Bayan Secretary General Renato Reyes Jr. ay hindi naman daw armado ang mga biktima taliwas sa sinasabi ng pulisya na nanlaban ang mga ito kaya pinaslang.

"Hindi katanggap-tanggap ang ganitong malawakang paglabag sa karapatang pantao... Karumaldumal na krimen ang nangyari. Ang taktikang tokhang sa drug war ay ginagamit na rin laban sa mga magsasaka," sabi ni Reyes.

Iginiit naman ni Police Chief Master Sgt. Edelberto Euroba, information officer ng Negros Oriental Police Provincial Office, na ang mga operasyon ay ginawa upang maiwasan ang posibleng gulo ngayong nagsimula na ang lokal na pangangampanya.

Sa datos ng Kabataan party-list, sinabi nilang 180 magsasaka na ang napatay sa ilalim ng rehimen ni Pangulong Rodrigo Duterte, kung saan 40 dito ay mula sa Negros island.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.