14 patay sa 'anti-criminality campaign' sa Negros Oriental | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

14 patay sa 'anti-criminality campaign' sa Negros Oriental

14 patay sa 'anti-criminality campaign' sa Negros Oriental

Martian Muyco at Nico Delfin,

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 31, 2019 09:08 AM PHT

Clipboard

Umabot sa 14 ang napatay habang 12 iba pa ang naaresto sa "anti-criminality campaign" ng Philippine National Police sa buong Negros Oriental, Sabado ng umaga.

Ayon sa Negros Oriental Police Provincial Office, walo sa mga napatay ay sa Canlaon City, apat sa bayan ng Manjuyod at dalawa sa Sta. Catalina.

May isa ring pulis na nasugatan sa operasyon na nagsimula pa ng madaling araw.

Ayon sa pulisya, nagsisilbi ng mga search and arrest warrant ang mga pulis laban sa itinuturong "hardcore criminals."

ADVERTISEMENT

Nakipagbarilan umano ang mga suspek sa mga pulis habang naghahain ng warrant kaya't napatay ang mga ito.

Pero ayon naman kay Kabataan Party-list Rep. Sarah Elago, mga magsasaka ang 14 na napatay ng pulisya at masaker ang nangyari.

Kinondena ng Karapatan-Negros ang brutal na pamamaslang sa mga biktima na karamihan ay sibilyan at miyembro ng farmers organization.

Naniniwala sila na "trumped up cases" lamang ang nasa mga inihain na warrant.

Galit at sama ng loob ang dinaramdam ng pamilya Avelino at Banares na pawang nagluluksa sa pagkasawi ng kanilang mahal sa buhay.

Ayon sa mga misis ng namatay na magkapatid na Edgardo at Ismael Avelino, pilit na ikinubli sa kanila ang pamamaslang sa loob ng kanilang mga tahanan sa pamamagitan ng inihain na search warrant ng mga pulis.

Kwento ng misis ni Ismael, pinadapa at pinigilan silang makalapit sa asawa nang umalingawngaw na ang mga putok ng baril. Pero nakita ng isa sa tatlo nilang anak na nakataas ang kamay ng kanyang ama bago pa ang putukan.

Ganito rin ang ikinuwento ng ginang na si Pansela Pañares nang muntik na siyang mawalan ng malay matapos marinig ang mga putok ng baril sa labas ng kanilang bahay sa Barangay Bayog.

Pahiwatig na pala yun ng pagkawala ng kaniyang mag-amang sina Melchor at Mario Pañares na kinalaunan ay bangkay na nang kaniyang naabutan sa Canlaon City District Hospital.

Inamin niyang may baril ang kaniyang asawa pero malabo daw na lumaban ito sa puwersa ng mga pulis.

Iginiit naman ni Police Chief Master Sgt. EdelbertoEuroba, information officer ng NORPPO, na ang mga operasyon ay ginawa upang maiwasan ang posibleng gulo ngayong nagsimula na ang lokal na pangangampanya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.