Babae, arestado sa pagbebenta ng mga gamot na umano’y ‘pampalaglag’ | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Babae, arestado sa pagbebenta ng mga gamot na umano’y ‘pampalaglag’

Babae, arestado sa pagbebenta ng mga gamot na umano’y ‘pampalaglag’

Angel Movido,

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 01, 2018 07:06 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Arestado ang isang babae matapos mahuling nagbebenta ng mga gamot na umano'y pampalaglag ng bata sa Quiapo nitong Sabado.

Ayon kay Police Chief Insp. Leandro Gutierrez, hepe ng Plaza Miranda PCP, nagsasagawa sila ng clearing operations kontra illegal vendors sa may Carriedo Street alas-3:30 ng hapon, nang maaktuhan ang 60-anyos na suspek na nagbebenta ng umano'y ipinagbabawal na gamot.

Aabot sa halagang P50,000 o 179 na banig ng magkakahalong Cytotec, Methergin at Arthroteco — kapwa mga gamot na kilalang pampalaglag ng bata ang nakumpiska mula sa suspek.

Ayon kay Gutierrez, matagal na nilang pinaghahahanap ang suspek na isa umano sa pinakamalaking supplier ng mga nasabing gamot sa Quiapo.

ADVERTISEMENT

Hindi rin inaalis ng Manila Police District ang posibilidad na marami pang mga pampalaglag na gamot ang naipupuslit sa mga vendor sa Quiapo.

Depensa naman ng suspek, bago lamang siya sa pagbebenta at kinailangan para masuportahan ang pamilya. Aniya, isang Pakistani national ang kaniyang pinagkukunan ng mga gamot.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang pamunuan ng Quiapo Church.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9711 o Food and Drug Administration Act of 2009 at city ordinance on illegal vending.

Nakatakda ring ipasuri ng MPD ang mga gamot sa FDA.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.