TFC News

‘Sinag Sining’ light painting photo exhibit itinanghal sa Jeddah

TFC News

Posted at Mar 30 2023 11:39 PM

JEDDAH - Itinanghal ng Philippine Consulate General noong February 28, 2023 ang painting photography exhibit na ‘Sinag Sining’ na tampok ang mga obra ni Alejandro “Alex” Domingo, isang Pinoy photographer na nakabase sa Jeddah, Saudi Arabia. Ang exhibit ay bahagi ng selebrasyon ng National Arts Month, na may temang "Ani ng Sining, Bunga ng Galing."

1
Jeddah PCG photo

Mga piling kinatawan ng Jeddah PCG ang nagsilbing subjects ng exhibit. Layon ng ‘Sinag Sining’ exhibit na maipakilala ang light painting sa mainstream society at isulong ang Filipino artistry at fashion, gamit ang photography bilang medium.

2
Jeddah PCG photo

Ibinida rin sa exhibit ang iba-ibang kasuotang Filipiniana na tradisyunal at moderno. Kinakitaan din ng iba-ibang lighting patterns at disenyo ang kanyang mga obra. Ang ‘light painting’ ay isang technique sa photography na gumagamit ng liwanag sa isang projective surface upang makabuo ng display ng mga kulay at disenyo.

3
Jeddah PCG photo

Founder ng Jeddah Photographers and Friends Unite ang artist na si Domingo na may misyong pagkaisahin ang Filipino photography groups, individuals, at enthusiasts sa Jeddah.

Abala rin ang grupo ni Domingo sa pagbuo ng events, workshops at iba pang photography activities. Naging pangulo rin si Domingo ng Spectrum Real Photographers sa Jeddah.

4
Jeddah PCG photo

Ang exhibit ay itinanghal sa Ground Floor, Building 3 ng Jeddah PCG at nanatiling bukas sa publiko hanggang March 30, 2023.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating ating mga kababayan sa Saudi Arabia, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.