PatrolPH

Muslim groups sa Davao City, nagtipon para paghandaan ang Ramadan

ABS-CBN News

Posted at Mar 30 2022 02:08 PM

Watch more News on iWantTFC

Nagtipon-tipon kamakailan ang ilang Muslim groups sa isang mosque sa Davao City para paghandaan ang nalalapit na Ramadan.

Dalawang taon nang limitado ang nakakapunta sa mga mosque dahil sa COVID-19 pandemic.

Pero ayon sa local government unit ng Davao City, wala nang limit ngayong taon sa bilang ng mga dadalo basta kailangan lang magsuot ng face mask.

Ito'y sa harap ng patuloy na mababang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Namahagi ng 70,000 food packs ang Muslim communities sa Davao City.

Nakatakdang simulan sa susunod na linggo ang Ramadan, isang banal na buwan para sa mga Muslim kung saan sila'y nag-aayuno.

—Ulat ni Hernel Tocmo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.