VIRAL: Estudyanteng kukuha lang ng food delivery, dinampot dahil sa 'paglabag' | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
VIRAL: Estudyanteng kukuha lang ng food delivery, dinampot dahil sa 'paglabag'

ABS-CBN News
Published Mar 30, 2021 08:19 PM PHT
|
Updated Mar 30, 2021 08:35 PM PHT

MAYNILA — Nag-viral sa social media ang post ng isang estudyante na kukuha lang ng kaniyang food delivery sa labas ng bahay sa Quezon City pero hinuli pa rin ng mga tanod dahil umano sa paglabag sa curfew.

Nag-Facebook live pasado alas-10 ng gabi si LJ Cabangis matapos siyang damputin, kung saan idinetalye niya ang ginawa sa kaniya ng mga awtoridad.

"Ito hinuli ako ah. Nandon lang ako sa tapat ng bahay ko kinuha ko lang yung Grabfood," ani Canbangis na noon ay nasa loob na ng barangay mobile.

Iginigiit ng mga tanod na bawal lumabas ng bahay pagpatak ng alas-6 ng gabi alinsunod na rin sa enhanced community quarantine sa NCR Plus.

Pero depensa ng estudyante, 5 metro ang layo niya sa labas ng kanyang bahay.

Sabi naman ng tanod, malayo na ito masyado.

"Malayo po siya sa bahay... Nakita po namin siya pagbaba ng patrol namin bigla siyang nawala, sabi niya bahay namin ito," ani Carlito Miniano, tanod ng Barangay Apolonio Samson.

Sagot ni Cabangis, naglakad lang siya nang kaunti dahil hindi siya makita ng delivery rider.

Sa huli, pinauwi rin ng barangay si Cabangis.

Pero maraming hinaing si Cabangis laban sa mga tauhan ng barangay.

"Minura ako, aambahan pa ako," sabi niya.

Nagtungo na siya sa pulisya para i-report ang mga tauhan ng barangay.

Iimbestigahan naman ng barangay ang pangyayari para malaman kung sino ang may pagkakamali.

—Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT