ALAMIN: Mga dapat tandaan sa ECQ sa 'NCR Plus' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Mga dapat tandaan sa ECQ sa 'NCR Plus'

ALAMIN: Mga dapat tandaan sa ECQ sa 'NCR Plus'

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 29, 2021 12:04 PM PHT

Clipboard

Members of the local barangay and the Philippine National Police (PNP) inspect motorists as they man a checkpoint at the border of Bulacan and Pampanga on March 23, 2021. Jonathan Cellona, ABS-CBN News

MANILA - Ngayong nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal, inaasahan na susunod ang publiko sa mga bagong patakaran upang matigil na ang pagdami ng kaso ng COVID-19.

Magtatagal ang ECQ na siyang pinaka-istriktong lebel ng lockdown hanggang Abril 4 sa mga nasabing lugar na tinatawag ngayong NCR Plus.

Ayon kay retired Gen. Restituto Padilla, tagapagsalita ng National Task Force Against COVID-19, inaasahan nilang magiging maayos ang pagpapatupad ng ECQ.

"Ine-expect naman po natin na dahil nanggaling na tayo dito no'ng nakaraang taon, magiging maayos ang pagpapatupad ng ECQ kasi hindi naman ito sa buong Luzon kundi sa NCR or greater Metro Manila area na lang," aniya sa panayam sa Teleradyo.

ADVERTISEMENT

Hinihikayat niya ang publiko na sumunod at makiisa sa pagpapatupad ng ECQ para mabawasan ang kaso ng COVID-19.

"Huwag naman po tayo maging pilosopo.. Actually, hindi na natin kailangan ng striktong enforcement kung nauunawaan natin ang dahilan ng ECQ at kung tayo ay kasapi ng bayanihan," aniya.

Ilan sa mga dapat tandaan sa pagpapatupad ng ECQ sa NCR Plus:

  • Bukas ang mga pampublikong sasakyan gaya ng train, bus, jeepney at TNVS ngunit limitado ang capacity
  • Iba't iba ang parusa sa mga lalabag sa ECQ depende sa ordinansa na inilabas ng LGU
  • Bukas ang mga financial institution gaya ng mga bangko
  • Bukas rin ang ibang establisimyento gaya ng laundry shops, dental clinics, veterinary clinics
  • Essential workers lamang ang maaaring bumiyahe papasok at palabas ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal
  • Papayagang umuwi ang mga essential worker na maaabutan ng curfew

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.