Hindi totoong nagsabi si Robredo na 'tuwang-tuwa' siya sa tambalang Robredo-Sara | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Hindi totoong nagsabi si Robredo na 'tuwang-tuwa' siya sa tambalang Robredo-Sara

Hindi totoong nagsabi si Robredo na 'tuwang-tuwa' siya sa tambalang Robredo-Sara

Bayan Mo,

Ipatrol Mo

 | 

Updated Dec 13, 2024 10:03 PM PHT

Clipboard

https://sa.kapamilya.com/absnews/abscbnnews/media/2022/news/03/29/fact-check-emebed.jpg


Hindi totoo ang headline ng “DUTERTE NEWS TV” YouTube channel na nagsasabing “tuwang-tuwa” si Vice President Leni Robredo ng itambal kay vice presidential candidate Sara Duterte-Carpio, at na sumasang-ayon ito na hindi talaga mananalo ang running mate na si Sen. Francis Pangilinan.

Lumabas noong Marso 24, ang buong headline ay “LENl TUWANG TUWA NG ITAMBAL KAY lNDAY SARA! OK LANG DAW DAHlL HlNDl NAMAN TALAGA MANANALO Sl KlK0!”

Wala sa anumang bahagi ng video ang nagpapakita ng pahayag mula kay Robredo na sumusuporta sa nasabing headline.

Sa halip, naglalaman lamang ito ng kumento at opinyon ng Thinking Pinoy blogger na si Rey Joseph “RJ” Nieto tungkol sa artikulo ng CNN Philippines na nagsabing bukas si Robredo na makipagtrabaho sa kahit kanino man, kabilang si Duterte-Carpio.

ADVERTISEMENT

Sa artikulo ng CNN Philippines na lumabas noong Marso 22, sinabi ni Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo, na sakaling mahalal bilang pangulo si Robredo, handa itong makipagtrabaho sa sinumang matatalagang bise presidente ng Pilipinas.

Kung sakaling ito man daw ay si Duterte-Carpio ay wala naman umanong problema dito.

Sinabi rin ni Gutierrez na ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya para siguraduhing maipanalo si Pangilinan bilang bise presidente.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.