COVID-19 cases sa Pilipinas nasa 1,418 na | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
COVID-19 cases sa Pilipinas nasa 1,418 na

ABS-CBN News
Published Mar 29, 2020 05:20 PM PHT

MAYNILA — Umabot na sa 1,418 ang kabuuang bilang ng mga pasyenteng nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), sabi ngayong Linggo ng Department of Health (DOH).

Sa isang press briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na 343 ang bilang ng mga bagong kasong naitala ng ahensiya.

Umabot na sa 71 ang binawian ng buhay dahil sa sakit matapos makapagtala ng 3 bagong pagkamatay habang 7 ang nadagdag sa mga gumaling para sa kabuuan na 42, ayon kay Vergeire.

Nagpatupad ang gobyerno ng lockdown sa buong Luzon, kung saan hinihikayat ang publiko na manatili sa loob ng kanilang mga bahay, para maiwasan ang hawahan ng sakit.

ADVERTISEMENT
Sa buong mundo, umabot na sa 665,616 ang nahawahan ng COVID-19 habang 30,857 na ang namatay dahil dito, ayon sa tracker ng Johns Hopkins University.

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Department of Health
COVID-19
coronavirus
novel coronavirus
coronavirus Philippines update
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT