Mahilig sa samalamig? DOH may ilang paalala ngayong tag-init | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mahilig sa samalamig? DOH may ilang paalala ngayong tag-init

Mahilig sa samalamig? DOH may ilang paalala ngayong tag-init

ABS-CBN News

Clipboard

Mark Demayo, ABS-CBN News
Naglalako ng samalamig ang isang vendor sa Maynila noong 2019. Mark Demayo, ABS-CBN News

MAYNILA - Hindi lang matinding init ang nararamdaman ni Shirley Avila dahil kasabay nito ang dagdag-kita sa kaniyang mga negosyong palamig sa Baclaran.

"Minsan umaabot ng P1,500 pag summer pero kapag tag-ulan, pinakamababa P500. Masarap ang timpla namin, asukal talaga yan, yan hindi powder. Pasalamat ako sa bumibili sa akin dahil nakakatulong sa akin," anang nagtitinda ng palamig na si Shirley Avila.

Sa Tondo, Maynila, naglabas na si Yolanda Sablaza ng panindang halo-halo. Naisipan niyang idagdag ito sa mga itinitindang meryenda dahil patok na pampalamig ito sa mainit na panahon.

"Kung minsan nga hindi ko alam kung tumutubo o ano eh. Kasi ano mo lahat yan plastic, lahat binibili, styro lahat, lalagyan, baso. Kasi kapag mamuhunan ka lahat ika-capital mo. Hinuhulog ko pa sa 5-6. Sana nga maubos lahat," ani Sablaza.

ADVERTISEMENT

Watch more News on iWantTFC

Ngayong kaliwa't kanan na ang mga pagkain at inuming pamatid-uhaw, may paalaala si Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

"Hindi lang tubig ang dapat siguraduhing ligtas kundi pati ang mga yelo na ginagamit natin kapag nilalagyan sa mga binebenta. Kelangan ugaliin na hinuhugasan at siguraduhin na malinis ang pinanggagalingan," ani Vergeire.

Hinimok din ni Vergeire ang mga lokal na pamahalaan na bantayan ang mga nagbebenta ng samalamig "para masigurong malinis ang iniinom ng ating mga kababayan at maiwasan natin ang mga gastro intestinal problems."

Iginiit din ni Vergeire na mas mainam pang uminom ng tubig.

"Yung mga iniinom natin na mga samalamig, may asukal. Hindi yan puro na tubig na nakukuha ng ating katawan. Pinakamainam pa rin po malamig na tubig ang inumin natin kapag tayo ay nakakaramdam ng init ng araw," ani Vergeire.

-- Ulat ni Robert Mano, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.