NAIA Terminal 4 bukas na ulit | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
NAIA Terminal 4 bukas na ulit
NAIA Terminal 4 bukas na ulit
ABS-CBN News
Published Mar 28, 2022 03:57 PM PHT
|
Updated Mar 28, 2022 07:21 PM PHT

Muling binuksan ngayong Lunes ang Terminal 4 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), halos 2 taon mula nang isara dahil sa COVID-19 pandemic.

Tumigil ang operasyon sa nasabing terminal dahil limitado noon ang flights bunsod ng kabi-kabilang travel restrictions.

Pero dahil sa pagluluwag, muli nang binuksan ang Terminal 4, na napuno ng mga pasahero ngayong Lunes.

Minsan ding ginamit na COVID-19 vaccination site ang terminal.
Minsan ding ginamit na COVID-19 vaccination site ang terminal.
ADVERTISEMENT
"'Yong T3 (Terminal 3) po ay napupuno dahil lahat ng mga domestic flight ay nanggagaling dito bago natin isinarado, ay inilipat natin sa T3," paliwanag ni Ed Monreal, general manager ng Manila International Airport Authority.

Sa ibang transport hub, tila balik-normal na rin ang eksena ngayong Lunes.

Sa MRT-3, kung wala lang face mask ang mga pasahero, aakalaing pre-pandemic ang eksena dahil sa haba ng pila.

Ngayong Lunes din kasi nagsimula ang 1 buwang libreng sakay sa MRT-3 kasunod ng rehabilitasyon ng train line.

"Makaka-save ako sa pamasahe ko. Malaking ginahawa sa'min 'yan," kuwento ni Rolando Atienza, na bumibiyahe mula Quezon City papuntang Las Piñas.

Nasa full capacity na rin ang mga pampasaherong barko, ayon sa Philippine Ports Authority.

Nagpaalala naman ang Department of Transportation sa lahat ng biyahero na sumunod pa rin sa minimum health standards, gaya ng pagsusuot ng face masks.

Dapat din anilang i-check ang mga requirement bago magpunta sa destinasyon.

— Ulat ni Jacque Manabat, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT