1 buwan na libreng sakay sa MRT-3, simula na | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

1 buwan na libreng sakay sa MRT-3, simula na

1 buwan na libreng sakay sa MRT-3, simula na

ABS-CBN News

Clipboard

Magandang balita, Kapamilya!

Simula ngayong araw ay may alok na libreng sakay ang pamunuan ng MRT-3 sa lahat ng mga pasahero simula ngayong araw hanggang sa katapusan ng Abril.

Ito'y bilang pagdiriwang na matagumpay na pagtatapos ng rehabilitasyon ng nasabing linya ng tren.

Para sa mga sasakay ng MRT 3, ganito ang sistema ngayon:

ADVERTISEMENT

Sa mga may stored value card, kailangan lang i-tap ang inyong mga card papasok ng turnstile at i-tap itong muli paalis ng stasyon na inyong bababaan. Hindi mababawasan ang laman ng inyong card. Maaari rin kayong magtungo sa mga ticketing booths para makakuha ng single journey ticket papunta sa partikular na stasyon na inyong babaaan.

Kahit sino ay libre ang sakay at wala nang kailangan ipakita pang mga dokumento.

Siniguro naman ng pamunuan ng MRT-3 na handa sila sa pagdami ng mga pasaherong sasakay dito sa MRT-3. Sa ngayon ay may dalawang 4-car trains na operational sa main line. Ang bawat 4 car train ay maaaring magsakay ng 1,576 na pasahero. May 19 na 3 car trains din na ipapaandar para maiwasan ang mahabang pila sa mga stasyon.

Muling paalala sa mga pasahero, mag-ingat pa rin at sumunod sa safety protocols kontra COVID-19.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.