'Praktikal na desisyon': Bayani Fernando suportado ang kandidatura ni Marcos Jr. | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Praktikal na desisyon': Bayani Fernando suportado ang kandidatura ni Marcos Jr.

Vivienne Gulla,
ABS-CBN News
Published Mar 28, 2022 07:31 PM PHT

MANILA — Suportado ni Marikina City mayoral candidate at 1st District Rep. Bayani Fernando ang kandidato sa pagka-pangulo ng UniTeam na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Paliwanag ni Fernando, “praktikal” na kumampi sa kandidatong tingin niya ay mananalo sa pagka-Presidente sa halalan sa Mayo.

Aniya, makatutulong itong maisakatuparan ang mga plano niyang malalaking proyektong lokal sa Marikina sakaling mahalal siyang alkalde ng lungsod.

“Ang desisyon ko ay para sa ikabubuti ng Marikina. Marami pa kaming kailangan sa labas ng Marikina. Malaki ang pangangailangan namin ng isang Presidente na kaibigan ko," sabi ni Fernando.

ADVERTISEMENT
"Kung ako ang Mayor, kinakailangan makampi ako sa panalo. ‘Pag nakampi ako sa talo, kawawa ang Marikina. Paano ako iintindihin ng sinumang Presidente kung ako ay hindi nila kakampi. Sa akin ay praktikal na desisyon ‘yun,” dagdag niya.

Ayon kay Fernando, bahagi ng prayoridad niya ang pagresolba ng problema sa baha sa Marikina City.

“Itong baha namin na ito ay napakalaking gastusin… Mayroon akong ilang hindi pa naikukuha ng pera, mga pumping station.”

“Siguro aabutin lang tayo ng mga dalawa, tatlong taon, mawawala na ang baha rito, sa buong first district ng Marikina. ‘Wag lang maharang ng Mayor. Kaya mahalaga ako na mag-Mayor. Naiintindihan ko lang lahat ng ‘yan pagkat ako ay naging kabahagi ng lahat ng pagpa-plano niyan,” sabi niya.

Para kay Fernando, magaling si Marcos kumpara sa ibang kandidato.

Nitong Lunes, sa mga barangay ng Barangka at Malanday nag-house-to-house campaign si Fernando at mga kapartidong lokal na kandidato.

Pangako niya sa mga residente, “libreng ospital” at “libreng libingan”, sakaling makabalik sa pagka-alkalde.

May ilang residenteng lumabas ng bahay, para ipakita ang placards na may mensahe ng suporta kay Fernando.

Nakisalo rin si Fernando at ilang kandidato sa isang boodle fight.

“Para pakainin namin ‘yung mga tao namin na kasama sa kampanya, kasama na rin namin ‘yung mga taong taga-rito. Para kasama na rin naming nagkasalo-salo,” ayon kay Fernando.

Unang nagsilbi bilang mayor ng lungsod si Ferdnando noong 1992 hanggang 2001.

Katunggali niya sa Mayo 9 si re-electionist Mayor Marcy Teodoro.

Base sa huling survey ng Pulse Asia noong nakaraang buwan, malaki ang lamang ni Marcos na pinaboran umano ng 60% ng respondents, kumpara sa pumangalawa sa survey na si Vice President Leni Robredo, na pinaboran naman ng 15% ng respondents.

RELATED VIDEO:
RELATED VIDEO:
Read More:
Bayani Fernando
Bongbong Marcos
Marikina
Halalan 2022
eleksyon
eleksyon 2022
local elections
Philippine elections
Philippine elections 2022
Marikina City
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT