Nurse nasaktan nang bumangga ang trak sa border control point sa Ilocos | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Nurse nasaktan nang bumangga ang trak sa border control point sa Ilocos

ABS-CBN News
Published Mar 28, 2021 12:40 AM PHT

Bumangga ang isang truck sa tent na naka-pwesto sa border control point sa Barangay Sta. Cruz sa bayan ng Badoc, Ilocos Norte matapos itong mawalan ng preno Biyernes ng umaga.

Ayon sa hepe ng Badoc Police Station Police Captain Joseph Tayaban, habang papasok sa border control point ang truck ay nawalan ito ng kontrol hanggang sa bumangga sa tent.

"Nawalan ito ng preno, although, dahan dahan naman ang takbo, pero walang ibang naisip ang driver, sabi niya na, may sinusundan kasi siyang kotse, kaya naibangga na niya ito sa poste ng tent, " sabi ni Tayaban.

Nasugatan naman sa insidente ang nurse na naka-duty at nasa tent sa oras na 'yon. Tinamaan ito ng bakal ng tent sa kanyang ulo.

Nasa maayos na kondisyon na ang nurse. Sinagot naman ng kompanya na pinagta-trabahoan ng driver ang pagpapagamot sa nurse at pagpapaayos ng tent na nasira. -- Ulat ni Grace Alba

FROM THE ARCHIVES
Read More:
Truck
Nurse
Badoc
Ilocos Norte
traffic accident
aksidente
nawalan ng preno
faulty brakes
Tagalog News
PatrolPH
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT