Total lockdown, ipinatupad sa isang barangay sa Tuguegarao dahil sa COVID-19 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Total lockdown, ipinatupad sa isang barangay sa Tuguegarao dahil sa COVID-19

Total lockdown, ipinatupad sa isang barangay sa Tuguegarao dahil sa COVID-19

Harris Julio,

ABS-CBN News

Clipboard

Larawan mula kay Vicente Blancad

TUGUEGARAO CITY, CAGAYAN — Ipinatupad na ang total lockdown sa Barangay Caritan Norte, Tuguegarao City simula alas-5 ng hapon nitong Biyernes.

Alinsunod sa Executive Order Number 40 Series of 2020 ni Mayor Jefferson Soriano, magtatagal ang total lockdown sa loob ng 14 na araw.

Nilagyan na ng harang ang lahat ng pwedeng pasukan o labasan ng mga residente na pinapayuhang manatili na lamang sa loob ng kanilang mga bahay.

May ipinatutupad na ring curfew hours mula alas-6 ng gabi hanggang alas-6 ng umaga kung saan bawal nang magbukas ang mga establisimento.

ADVERTISEMENT

Tanging mga emergency cases na nangangailangan ng agarang atensiyong medikal ang palalabasin.

Papahintulutan din makaalis ang mga medical worker gaya ng mga nurse, doktor at health workers, pero sa kundisyon na hindi na muna sila makakauwi.

Ipinatupad ang total lockdown matapos maitala ang dalawang positibong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa dalawang residente sa lugar.

Una nang nagpositibo ang isang 44 anyos na bumbero na umuwi mula Metro Manila.

Binansagan siyang si PH275 na patuloy ang pagbuti ng kundisyon, ayon kay Dr. Glenn Baggao ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC).

Lumabas na rin ang resulta ng pagsusuri sa kaanak niyang 73 anyos na babae kung saan positibo din ito sa COVID-19.

Nahawaan din ni PH275 ang dalawang nurse na nag-asikaso sa kaniya nang dalhin sa CVMC.

Sa Isabela, positibo rin sa COVID-19 ang tatlong miyembro ng isang pamilya kabilang ang 25 anyos na buntis.

Mayroon na ngayong 11 positibong kaso ng COVID-19 sa buong Region II.

Ang isa na taga-Solano, Nueva Vizcaya ay pumanaw na ilang araw bago lumabas ang resulta ng kaniyang laboratory test sa COVID-19.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.