PatrolPH

TINGNAN: 'Oversupply' ng kamatis, ipinamahagi sa Nueva Vizcaya

ABS-CBN News

Posted at Mar 27 2021 04:26 AM

Isang truck na punung-puno ng mga kamatis ang dumating sa kapitolyo ng Nueva Vizcaya nitong Biyernes.

Ayon kay Rachel Magday Itchon, executive assistant ng Office of the Governor, nanggaling ang mga kamatis sa Nueva Vizcaya Agricultural Terminal na nakararanas ngayon ng oversupply ng naturang produkto.

 

Sa halip na itapon ay ipinamahagi na lang sa mga empleyado ng kapitolyo ang mga kamatis upang mapakinabangan.

Bagsak presyo ang kamatis ngayon na naglalaro sa P3 hanggang P4 kada kilo, batay sa price monitoring ng NVAT.--Ulat ni Harris Julio

MULA SA ARKIBO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.