PatrolPH

Rape-slay convict at ex-Laguna mayor Antonio Sanchez, pumanaw na

ABS-CBN News

Posted at Mar 27 2021 08:06 PM | Updated as of Mar 27 2021 09:23 PM

Watch more on iWantTFC

Pumanaw na ang convicted murderer, rapist, at dating alkalde ng Calauan, Laguna na si Antonio Sanchez, ayon sa Bureau of Corrections (BuCor).

Nahatulan si Sanchez at ang kaniyang mga tauhan sa 1993 rape-slay ng estudyante ng UPLB na si Eileen Sarmenta at sa torture-killing sa kaniyang kasamahan na si Allan Gomez. 

Ayon kay BuCor Spokesperson Gabriel Chaclag, hindi na gumagalaw sa kaniyang kulungan si Sanchez nang makita bandang alas-7 ng umaga. 

Isinugod din siya sa New Bilibid Prison Hospital pero idineklarang dead on arrival. 

Ayon kay Chaclag, mayroong chronic kidney disease, hypertension, gastroenteritis, prostate problems, at asthma si Sanchez. 

Taong 1995 nang mahatulan ng 7 counts ng reclusion perpetua si Sanchez sa kasong murder. 

Muntik na siyang makalabas ng kulungan noong 2019 dahil sa Good Conduct Time Allowance, pero iginiit ni DOJ Secretary Menardo Guevarra na hanggang sa kaniyang pagkamatay ay hindi siya kalipikadong lumabas ng kulungan. 

Wala namang nakikitang foul play sa pagpanaw ni Sanchez.

— May ulat ni Bianca Dava, ABS-CBN News

KAUGNAY NA VIDEO:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.