3 miyembro ng pamilya nalunod sa CamSur | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

3 miyembro ng pamilya nalunod sa CamSur

3 miyembro ng pamilya nalunod sa CamSur

Rizza Mostar,

ABS-CBN News

Clipboard

Sabay-sabay na pinaglalamayan ngayon ang tatlong miyembro ng pamilya Quiñones na umano'y nalunod matapos na magkaaberya ang sinakyang bangka. Rizza Mostar, ABS-CBN News

TINAMBAC, Camarines Sur – Tatlong kasapi ng isang pamilya ang sabay-sabay na pinaglalamayan matapos na malunod nang magkaaberya ang sinakyang bangka sa dagat Sabado ng gabi.

Unang nakitang palutang-lutang sa karagatang sakop ng Barangay Buenavista ang 10-taong gulang na si Lovely Quiñones.

Sunod na natagpuan naman ang bangkay ng kaniyang mga magulang na sina Rolando at Belen na napuluputan pa ng pisi.

Kuwento ng panganay na si Yolly, sumama ang bunsong kapatid na si Lovely sa kaniyang mga magulang para makiisa sa pabasa ng lola sa Barangay Buenavista.

ADVERTISEMENT

Umalis ang tatlo mula sa Barangay Salvacion Sabado ng gabi para sa isang oras sanang biyahe sa dagat.

Sa imbestigasyon ng pulisya, posibleng tumama sa matigas na bagay ang sinakyan nilang bangka.

Pero naniniwala ang pamilya ng mga namatay na hindi simpleng pagkalunod ang nangyari.

Sira ang gilid ng de-makinang bangka ng pamilya kaya posible raw na nabangga ito ng katig at lumubog.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.