33 nagpopositibo sa HIV kada araw: DOH | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

33 nagpopositibo sa HIV kada araw: DOH

33 nagpopositibo sa HIV kada araw: DOH

ABS-CBN News

Clipboard

May naitala na ring kaso ng drug-resistant HIV/AIDS

Naitatala ng Department of Health (DOH) ang 33 kaso ng nagpopositibo sa human immunodeficiency virus (HIV) kada araw simula nitong 2018.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Tumaas ang bilang na ito mula sa 22 kaso kada araw na naitatala noong 2015.

Ayon sa DOH, mahalagang malaman kung positibo ang isang tao sa HIV para hindi mauwi sa komplikasyon.

May mga serbisyo naman ang gobyerno na maaaring makuha nang libre ng mga nagpositibo sa HIV.

ADVERTISEMENT

Wala mang lunas ang HIV, maaari namang mapigilan ang paglala nito patungo sa estado ng acquired immune deficiency syndrome (AIDS) kung maagapan ng pag-inom ng antiretroviral (ARV) drugs.

Oras na malamang positibo ang isang tao sa HIV, dapat regular ang gawing pag-inom ng ARV drugs at ang pagpapanatili ng healthy lifestyle.

Isa si alyas "Ron" sa sumasailalim sa ARV treatment para sa kaniyang HIV.

Ngayon, unti-unti na raw niya itong natatanggap at ginagawa ang lahat para alagaan ang sarili.

Bukod sa pag-eehersisyo araw-araw, sinisiguro rin ni Ron na nasusunod niya ang oras ng pag-inom ng ARV drugs.

DRUG-RESISTANT HIV

Base sa inisyal na pag-aaral ng University of the Philippines at ilang eksperto sa DOH, may mga kaso na sa bansa ng drug-resistant na HIV/AIDS, o iyong klase ng virus na hindi na tinatalaban ng ARV drugs.

Pero paglilinaw ng Joint United Nations Programme on HIV/AIDS (UNAIDS), hindi ito bagong strain ng HIV.

"'Yong nakikita natin na resistance ang dahilan noon ay madaming factors, unang-una 'yong timing kung kailan na-diagnose yung ating mga kliyente, 'yung age, nutritional status, and 'yong adherence noong ating kliyente sa pag-inom ng gamot," ani UNAIDS Philippines country director Dr. Louie Ocampo.

Nagbabala rin ang DOH ukol sa posibilidad na makahawa ng drug-resistant HIV.

"Halimbawa, si patient A, drug-resistant na ang kaniyang virus, nakipagtalik siya at nakapanghawa ng iba, ang maisasalin niya ay drug-resistant [virus] din," ani DOH Assistant Secretary Lyndon Lee Suy.

Maaari namang masuri ang drug-resistant HIV sa Pilipinas at may mga gamot pa rin na available sa bansa na puwedeng makuha nang libre ng nagpositibong pasyente.

"Mayroon naman tayong first line, second line, at third line na klase ng mga gamot, If ever, for example 'yong pasyente hindi epektibo yung first line, puwede nating gamitin ang second line up to the third line na klase," paliwanag ni Ocampo.

Sa ngayon, inaayos pa ng DOH ang mga guidelines sa pagsusuri sa pasyente at paraan ng pagbibigay ng mga gamot.

"Inaayos ngayon 'yong guidelines, like, are we automatically testing these people for drug resistance din? Or paano ang pagbibigay ng gamot?" sabi ni Suy.

Ayon pa sa DOH, nasa trial stage na rin ang bansa sa "pre-exposure prophylaxis" sa HIV/AIDS, o ang gamot na iniinom bago pa magkaroon o ma-expose sa virus para mabigyan ng proteksiyon ang isang tao laban sa HIV.

-- Ulat nina Kori Quintos at Oman Bañez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.