6 namatay sa malaria sa Palawan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
6 namatay sa malaria sa Palawan
6 namatay sa malaria sa Palawan
Lynette dela Cruz,
ABS-CBN News
Published Mar 27, 2017 09:48 PM PHT
|
Updated Mar 28, 2017 01:21 AM PHT

PALAWAN - Mahigit 6,000 ang nagkasakit ng malaria sa Palawan noong 2016. Anim dito ang namatay.

Ayon sa Provincial Health Office, karamihan sa mga nagkakasakit ay mula sa mga kabundukang barangay na malayo sa mga health center.

"May mga infected pa rin dun sa mga katas-taasang parte ng mga bundok na ngayon lang naaabot," sabi ni Dr. Mary Ann Navarro, ang Provincial Health Officer ng Palawan.

Bumaba na bilang ng mga kaso ng malaria noong 2016 kumpara noong 2015 na pumalo sa 8,000. Pero nananatili pa ring mataas ang malaria cases sa bayan ng Rizal, Brooke's Point, Bataraza, Balabac, at Puerto Princesa.

Karamihan sa mga nagkakasakit ay mga bata.

"Tapos yung mga kabataan, naglalaro pa rin. 'Di ba 6 p.m. kumakagat na iyang lamok na yan, naglalaro pa rin hanggang mga alas-10 o alas-11 ng gabi o nakikinood ng TV sa mga kapitbahay na may TV di ba? So, asan sila? Exposed pa rin sila, nakakagat pa rin,” dagdag pa ni Navarro

Nagpapatuloy din ang kampanya kontra malaria. Namimigay pa rin ang lokal na gobyerno ng kulambo, may blood smearing din, gamutan, indoor residual spraying, stream clearing, bio-pond, malaria awareness day, at personnel training.

Pero hindi umano masusugpo ang malaria kung hindi makikipagtulungan ang mamamayan.

May mga naitala kasing residente na hindi tinatapos ang gamutan, hindi gumagamit ng kulambo, at walang dingding ang tahanan.

Target ng Palawan na maging malaria-free ang probinsya sa 2025.

Pero kailangan din ang tulong ng mga mamamayan na proteksyunan ang kanilang mga sarili.