Mga isda sa Oriental Mindoro, hindi na maibenta dahil sa pangamba sa epekto ng oil spill | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga isda sa Oriental Mindoro, hindi na maibenta dahil sa pangamba sa epekto ng oil spill

Mga isda sa Oriental Mindoro, hindi na maibenta dahil sa pangamba sa epekto ng oil spill

Dennis Datu,

ABS-CBN News

Clipboard

Ginagawa na lamang na “tuyo” ang mga isda na nahuhuli sa Baco, Oriental Mindoro dahil sa walang bumibili ng mga sariwang isda kahit na hindi naman apektado ng oil spill ang kanilang lugar. Dennis Datu, ABS-CBN News
Ginagawa na lamang na “tuyo” ang mga isda na nahuhuli sa Baco, Oriental Mindoro dahil sa walang bumibili ng mga sariwang isda kahit na hindi naman apektado ng oil spill ang kanilang lugar. Dennis Datu, ABS-CBN News

Sa pagbebenta muna ng karneng manok nakatutok si Llyod Napeñas.

Simula nang magka-oil spill dulot ng paglubog ng oil tanker na M/T Princess Empress, naging matumal na ang bentahan ng isda.

"Ngayon halos wala na po maintindang isda gawa ng langis sa oil spill. Yung iba po halos hindi na nabili na gawa ng natatakot sa langis baka daw po makasama sa kanila," daing ni Napeñas na taga-Calapan City.

Umiiral ang fishing ban sa Calapan City at mga bayan ng Naujan, Pola, Pinamalayan, Gloria, Bansud, Bongabong, Mansalay, Roxas at Bulalacao dahil sa oil spill matapos lumabas sa pagsusuri ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na hindi pa ligtas ang tubig sa dagat na sakop ng mga nasabing lugar.

ADVERTISEMENT

Kahit wala namang oil spill at walang umiiral na fishing ban sa bayan ng Baco, ramdam ng mga mangingisda ang epekto nito sa kanilang kabuhayan.

Wala na ring bumibili sa mga isdang huli nila.

“Hindi gaya noong dati na basta ganitong tag-isda, medyo maganda pakiramdam, medyo maganda bentahan eh ngayon po talagang walang nabili,” kwento ng mangingisdang si Arnel Matira.

Si Nita Sol naman, wala pang bumibili sa kaniyang 24 na kilo ng galungong kahit na ibinaba na niya sa 140 pesos pero kilo mula sa 220 hanggang 250 pesos.

“Dati dati po pangagawan naku pagpondo nyo pa laang daming buyer na kung taga-tagasaan eh ngayon wala nag-aantay ka pa rin," aniya.

At para hindi masayang ang mga isda, marami sa mga taga Barangay Pulang Tubig sa Baco ang ginagawa na lamang “tuyo” ang kanilang mga isda.

"Murang mura na po dahil wala po nabili takot na po ang tao gawa ng oil spill, eh di ginagawa namin tinutuyo na lang namin para hindi naman masayang yung laot ng aming mga asawa. Wala na po kami magagawa dahil wala na po nabili," hinaing ni Remy Cueto.

Sa pagbisita ni Defense Officer In charge, Senior Undersecretary Carlito Galvez, Jr., isa ang kawalan ng mga hanapbuhay ang idinaing sa kaniya ng mga mangingisda.

Nanawagan si Galvez sa BFAR na pag-aralan ang tukuyin ang mga lugar na hindi apektado ng oil spill para unti-unti nang mapayagan ang mga mangingisda makabalik sa kanilang hanapbuhay.

“OCD will coordinate immediately to BFAR to determine kung whether pwde nang mangisda yung ating mga fisherfolk at the same time magkaroon tayo ng tinatawag na isegment natin yung dagat na kung saan po tayo ay pwdeng mangisda," ani Galvez sa briefing sa bayan ng Pola.

Samantala, sinabi rin ni Galvez na base sa kanilang aerial inspection, Unti-unti nang bumabalik sa normal ang sitwasyon sa bayan ng Pola at ang mga langis na nakikita ay mga residual na lamang.

"At ngayon nakita ko nga parang normal na yung Pola dahil nakita natin wala na yung langis na nakita natin sa TV na nagkakaitiman ngayon nakita na lang natin mga patches," dagdag ni Galvez.

Sinabi naman ni Oil Spill Response Mindoro Incident Commander, Commodore Geronimo Tuvilla na nasa 16.8 kilometers na lamang ng shoreline ng Pola ang kanilang lilinisin mula sa mahigit 30 kilometers.

"We see some developments right now, yung area na tinitira na lang namin ng mga efforts namin ay yung 16.8 na per kilometers na bawasan na sya from previous na more than 30, it’s a good indication that ah of course yung aming effort ay effective," aniya.

Nakatutok ngayon ang clean up sa mga Barangay ng Misong, Buhay na Tubig at Bacawan sa Pola na matinding naapektuhan ng oil spill.

"We will now go the phase 2 which is yung dumikit sa mga bato we applied pressure washing like that and there efforts para makita unlike before nga we manually scoop those oil out of it," dagdag ni Tuvilla.

Patungo na rin umano ang direksyon ng oil spill sa Calapan City pero mabiis na nila itong naaagapan.

"Pa northbound siya, its going Calapan area but there mas mabilis maaddress natin dahil inplace na yung ating mga responders doon dahil nga we have been nga effective sa rea na ito nabibigyan tayo ng information from NOAA yung sa US counterpart natin so its been effective with our strategic deployment dagdag pa ni Tuvilla.

Sinabi naman ni Oriental Mindoro 1st District Congressman Arnan Panaligan na naghain na sila ng resolusyon sa kamara para imbestigahan ang nangyaring oil spill.

Ilan sa nais nilang malaman ay kung sino ang may ari ng langis na lulan ng MT Princess Empress.

"Yung tanker yung may ari yung RDC Marine Services pero ang ating pagkakaalam natin sya ay isang commercial vessel, nagtatransport siya ng mga kargamento katulad ng langis, most likely hindi sya ang may ari noong industrial oil or industrial fuel, so kailangan malaman din natin kung sino yung may ari ng industrial fuel or industrial oil para rin mapanagot natin kasi may liability marami kasing aspect ito,” sabi ni Panaligan.

Ayon sa Philippine Coast Guard, nasa 1,009,904 litro ang kabuuang langis na karga ng MT Princess Empress.

Mula rito, 991,984 litro ang industrial fuel taliwas sa unang report na 800,000 liters lamang ito.

Kinumpirma rin ni Tuvilla na ubos na ang marine diesel oil o yung kinukonsumo ng MT Princess Empress base sa ginawang pag-analisa ng ROV.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.