Bangkay ng babae, natagpuang nakasilid sa sako sa Cavite | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bangkay ng babae, natagpuang nakasilid sa sako sa Cavite

Dexter Ganibe,
ABS-CBN News
Published Mar 26, 2019 10:43 PM PHT

MAYNILA - Natagpuang nakasilid sa sako ang bangkay ng isang babae na itinapon sa ilalim ng tulay sa Carmona, Cavite.

Ayon kay Patrolman Emerson Gusto, police investigator ng Carmona Police, nakatanggap sila ng tawag nitong Martes ng hapon kaugnay ng kakaibang amoy mula sa tulay.

Nang puntahan, nagmula sa isang malaking sako ang masangsang na amoy. Tumambad ang bangkay nang ito'y buksan.

Nakasuot ang babae ng multi-colored stripes na damit, itim na shorts, at silver na bracelet.
Nakasuot ang babae ng multi-colored stripes na damit, itim na shorts, at silver na bracelet.
ADVERTISEMENT
Walang nakuhang pagkakilanlan sa bangkay na nasa 5 feet hanggang 5'5 ang tangkad.

Dinala na sa crime laboratory ang mga labi para matukoy kung ano ang dahilan ng pagkamatay nito.