Tinatawag ang ritwal na "pangampo ta dighemen" o dasal para sa tulong. Retrato mula kay Carl Binayao
Nagsagawa ng ritwal noong Linggo ang mga lumad sa Barangay Kalasungay sa Malaybalay, Bukidnon para anila mapuksa ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Makikita ang mga indigenous peoples na nagsasagawa ng ritwal kung saan nag-alay sila ng mga manok. Retrato mula kay Carl Binayao
Sa mga larawan mula kay tribal council member Carl Binayao, makikita ang mga indigenous peoples na nagsasagawa ng ritwal kung saan nag-alay sila ng mga manok.
Tinatawag ang ritwal na "pangampo ta dighemen" o dasal para sa tulong.
Layon ng ritwal na ipagdasal kay Magbabaya (Supreme Creator) na matigil na ang COVID-19 sa buong mundo. Retrato mula kay Carl Binayao
Sabi ni Binayao, layon ng ritwal na ipagdasal kay Magbabaya (Supreme Creator) na matigil na ang COVID-19 sa buong mundo at malampasan ang hamon na dulot ng virus.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPh, Tagalog news, balita, COVID-19, lumad, ritwal, ritual, Bukidnon, coronavirus disease 2019