DSWD, iba pang ahensiya tatalakayin ang ayuda para sa mamamayan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

DSWD, iba pang ahensiya tatalakayin ang ayuda para sa mamamayan

DSWD, iba pang ahensiya tatalakayin ang ayuda para sa mamamayan

ABS-CBN News

Clipboard

Residents of a depressed community in Bgy. Paligsahan, Quezon City receive relief goods being distributed by the barangay officers led by Bgy. Captain Cecille Tiamson on March 19, 2020. Fernando G. Sepe Jr., ABS-CBN News

MAYNILA - Nakatakdang pagpulungan ng mga ahensiya ng pamahalaan Miyerkoles ang magiging panuntunan sa maayos na implementasyon ng social amelioration package para sa mga pamilyang Pilipino na naapektuhan ng enhanced community quarantine na bunsod ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ayon kay Director Irene Dumlao, tagapagsalita ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), kasama nila sa meeting ang mga kinatawan ng mga kagawaran ng Budget and Management, Trade and Industry, Labor and Employment, at Agriculture.

"Para ma-finalize ang guidelines and protocols for the implementation of the social amelioration package that will be given sa lahat ng naapektuhan nitong ng enhanced community quarantine," pahayag ni Dumlao sa panayam sa DZMM.

Ito'y matapos na malagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang "Bayanihan to Heal as One Act" na naglalayong bigyan siya ng awtoridad na maglipat ng government savings para sa coronavirus-related programs at iba pa.

ADVERTISEMENT

Kasama rin sa batas na ito ang pagbibigay ng subsidiya sa low-income households na lubos na apektado dahil na rin sa pagpapahinto sa trabaho sanhi ng banta sa COVID-19.

"We would like to assure the public that ngayon pa lang pinag-uusapan na namin para masigurong maging maayos at magiging epektibo ang pag-iimplement ng batas na ito," sabi ni Dumlao.

Inaasahang mabibigyan ng pinansiyal na ayuda sa halagang P5,000 hanggang P8,000 ang nasa 18 milyong mahihirap na pamilya sa ilalim ng national emergency period.

Samantala, tiniyak naman ni Dumlao na natutugunan nila ang mga pangangailangang ipinapaabot sa kanila ng mga local government unit.

"The DSWD mandate is to provide resource augmentation sa mga local government units. Kung na-exhaust na resources ng LGUs, nag-susubmit sila ng request for resource augmentation sa DSWD at yun naman tinutugunan natin mga request ng LGUs," sabi niya.

Kasama aniya sa family food packs ang mga non-essential items tulad ng hygiene kits.

Hiling naman niya sa mga pamilyang hindi pa naaabutan ng tulong na makipag-ugnayan sa kanilang mga barangay or lokal na opisyal para maipabot ang kanilang pangangailangan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.