130 street dwellers, pansamantalang nanirahan sa covered court sa Maynila | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

130 street dwellers, pansamantalang nanirahan sa covered court sa Maynila

130 street dwellers, pansamantalang nanirahan sa covered court sa Maynila

Jekki Pascual,

ABS-CBN News

Clipboard

Aabot sa 130 street dwellers ang nanatili muna sa covered court ng Delpan Sports Complex, Maynila matapos masagip sa Luneta at Baywalk nitong Martes.

Pinatira sila sa mga compartment upang isagawa ang physical distancing. Dalawang tao lang kada compartment ang pwedeng magsama maliban na lamang kung pamilya at may mga anak.

Pinasuot din sila ng face mask at laging pinagsasabihan ng mga social worker na wag muna lumapit sa isa't isa.

Marami sa kanila, hindi alam ang tungkol sa novel coronavirus kaya mungkahi ng mga social worker na kailangan pa nilang ipaliwanag sa mga street dwellers ang problema sa sakit ngayon.

ADVERTISEMENT

Pinapakain sila tatlong beses sa isang araw at may mga donasyon ding natatanggap mula sa iba't ibang grupo.

Ayon sa social worker, kailangan din nila ng hygiene kits gaya ng toothbrush at tsinelas dahil posibleng dumami pa ang mga street dwellers.

Dagdag pa nila, maganda rin kung madagdagan ang electric fan para mas komportable ang mga tao.

Pagkatapos ng enhanced community quarantine, pag-aaralan kung saan dadalhin ang mga street dwellers.

Sa ilalim ng enhanced community quarantine, nagpanukala ng curfew mula 8:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga bilang pag-iingat sa pagkalat ng COVID-19 sa bansa.

Sa tala ng Department of Health, may 552 kaso na ng COVID-19 sa bansa kung saan 35 na ang namatay at 20 ang gumaling na.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.