MAYNILA — Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa anak ni Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves, Jr. at mga escort nitong nambugbog sa security guard ng BF Homes Parañaque.
Sabi sa TeleRadyo ni Atty. Delfin Supapo, Jr. ng BF Federation of Homeowners Associations, isasampa nila sa lalong madaling panahon ang kaso.
Nakuha na umano nila ang testimonya ng guwardiyang si Jomar Pajares na ginulpi ng suspek na si Kurt Matthew Teves.
Sa salaysay ng testigo, video ng pambubugbog at CCTV footage, sinuntok, nadiskubreng sinipa at tinutukan pa ng baril ng grupo ni Teves si Pajares matapos harangin ang kanilang sasakyan dahil wala itong sticker at naipakitang ID para makapasok sa subdivision.
"Takot na takot po siya. Ayaw na po niyang lumabas sa kanyang tinitirahan... Hopeful pa kami dahil kami naman ay sa ating legal system ay may tiwala kami," ani Supapo.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPh, Tagalog news, krimen, crime, gulpi, bugbog, Teves, Matthew Teves, Arnolfo Teves