Lalaking pinahinto sa checkpoint sa Parañaque, nahulihan ng hinihinalang shabu | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaking pinahinto sa checkpoint sa Parañaque, nahulihan ng hinihinalang shabu

Lady Vicencio,
ABS-CBN News
Published Mar 23, 2021 05:48 AM PHT

MAYNILA - Arestado ang isang 40-anyos na construction worker matapos mahulihan ng hinihinalang droga nang dumaan sa checkpoint sa Bgy. Don Galo, Parañaque City Martes ng madaling-araw.

Ayon kay Parañaque chief of police Col. Max Sebastian, nakabisikleta ang lalaki na si "Jeffrey" pagtawid niya sa checkpoint sa Quirino Avenue pasado hatinggabi.

Construction worker, nahulihan ng 4 na sachet ng hinihinalang shabu sa checkpoint sa Don Galo, Parañaque City pasado hatinggabi. Sabi niya, pauwi siya mula sa bertdeyan. pic.twitter.com/WG2zElkAqe
— Anjo Bagaoisan (@anjo_bagaoisan) March 22, 2021

Sabi ng pulis, kahina-hinala umano ang pagkilos ng lalaki nang hingan siya ng ID. Dahil dito pinalabas ang laman ng kanyang bulsa, kung saan nadiskubre ang 4 na sachet ng hinihinalang shabu.

Sabi ng suspek, galing siya sa bertdeyan at pauwi sa San Dionisio. Aminado siyang gumagamit ng droga nang paminsan-minsan.

Hinala naman ng pulis, maaaring runner ang suspek at pinabili lang ng shabu.

Nakadetine ang lalaki sa Parañaque City Police station at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

8 checkpoint ang nakaposte sa lungsod sa oras ng curfew.
Sabi ni Parañaque chief of police Max Sebastian, nabawasan din ang bilang ng mga nahuhuling violator sa mahigit 1 linggo nang pagpapatupad ng unified curfew. pic.twitter.com/GY0akPIk2W
— Anjo Bagaoisan (@anjo_bagaoisan) March 22, 2021
8 checkpoint ang nakaposte sa lungsod sa oras ng curfew.
— Anjo Bagaoisan (@anjo_bagaoisan) March 22, 2021
Sabi ni Parañaque chief of police Max Sebastian, nabawasan din ang bilang ng mga nahuhuling violator sa mahigit 1 linggo nang pagpapatupad ng unified curfew. pic.twitter.com/GY0akPIk2W
Walong checkpoint ang nakaposte sa buong lungsod mula pa noong nagpatupad ng unified curfew noong isang linggo.

Ayon kay Sebastian, nakatulong ang mga ito sa pagbawas ng mga nahuhuling violators at ibang nasa labas tuwing oras ng curfew.