MADRID - Matutunghayan na ngayon sa Philippine Embassy sa Madrid ang ‘Bayanihan mural’ na tulong-tulong na pininturahan ng mga kinatawan ng FilCom, sa pangunguna ng Pinay artist na si Karina Jardin sa isang workshop na ginanap nitong Marso 19.
Photo by Adrian Mansat
May 26 volunteers ang nakibahagi sa pagbuo ng mural. Mababasa sa mural ang mga katagang “Babae, Bayanihan, Padayon, Kalayaan” sa sulat na Baybayin.
Photo by Adrian Mansat
Photo by Adrian Mansat
Kasalukuyan ding may art exhibit si Jardin na pinamagatang “Tapestry of Femininity an Aperture to Southeast Asia´s shared heritage through a feminine perspective” na nasa Centro Cultural Úrculo na makikita hanggang sa katapusan ng Marso.
Abangan ang buong ulat sa TFC News at TV Patrol.