Lahat ng lungsod sa NCR may kaso na ng iba-ibang COVID-19 variants: DOH | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lahat ng lungsod sa NCR may kaso na ng iba-ibang COVID-19 variants: DOH

ABS-CBN News
Published Mar 22, 2021 07:57 PM PHT

MAYNIILA — Higit 200 sa halos 500 COVID-19 variant cases sa Pilipinas ay nasa National Capital Region (NCR), at lahat ng siyudad sa rehiyon ay nakapagtala na nito, sabi ng Department of Health (DOH) nitong Lunes.

"Talagang nakita na natin itong mga variants nasa lahat na ng cities dito sa atin sa Metro Manila... Meron na tayo either the UK variant or the South African variant," sabi ni DOH spokesperson Maria Rosario Vergeire.

Ang UK at South African variants ay pareho umanong mas nakakahawa kaya maaaring magdulot ng mas maraming kaso ng COVID-19.

Hindi pa naglalabas ng detalyadong tala ang DOH kung tig-ilang variant cases ang nasa bawat syudad sa NCR.
Hindi pa naglalabas ng detalyadong tala ang DOH kung tig-ilang variant cases ang nasa bawat syudad sa NCR.
ADVERTISEMENT
Sa kasalukuyan ay may 223 na UK variant cases, 152 na South African variant cases, isang Brazil variant , at 104 na P.3 variant cases ang Pilipinas. Sa mga kasong ito, karamihan ay nakarekober na bagaman may mahigit 100 pang nagpapagaling.

Pero hindi pa umano sigurado kung laganap na nga ito o masasabing may community transmission na ng variants sa bansa.

"Kami ay humihingi ng tulong sa WHO (World Health Organization) para sila ang makapagbigay ng guidance and confirmation [if] there really is local transmission or community transmission of these variants," sabi ni Vergeire.

Hindi rin umano masasabi sa ngayon na ang mga variants ang nagtutulak ng pagtaas ng kaso sa Pilipinas. Ngayong araw ay umabot na ng mahigit 8,000 ang mga dagdag na kaso.

—Ulat ni Kristine Sabillo, ABS-CBN News
RELATED VIDEO
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
COVID-19
coronavirus
cases
COVID
COVID variant
UK variant
South African variant
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT