Garbage bags ginamit bilang protective gear sa ospital sa Laguna | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Garbage bags ginamit bilang protective gear sa ospital sa Laguna

Garbage bags ginamit bilang protective gear sa ospital sa Laguna

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 22, 2020 06:55 PM PHT

Clipboard

Nagsuot ng paper at garbage bags ang ilang medical personnel ng isang ospital sa Laguna matapos maubusan ng protective gear. Retrato mula kay Tes Depano

Umapela ng tulong sa gobyerno ang isang ospital sa Los Baños, Laguna para makakuha ng personal protective equipment (PPEs) na gagamitin ng kanilang medical staff na tumutugon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) outbreak.

Naubusan na ng PPE ang pamunuan ng St. Jude Family Hospital at wala na rin umano silang makuhanan kaya gumawa na lang ng paraan ang mga tauhan ng ospital para maprotektahan ang sarili mula sa virus.

Sa isang Facebook post noong Huwebes, idinaan ni Tes Depano, officer in charge at medical records officer ng ospital, ang kaniyang panawagan para mabigyan sila ng PPE.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Makikita sa mga retratong ibinahagi ni Depano ang staff ng ospital na nagbalot ng plastic bag sa ulo at nagsuot ng garbage bag sa katawan bilang pamalit sa PPEs.

ADVERTISEMENT

Tatlong staff umano ang nagsuot ng plastic at garbage bags nang kuhanan ng X-ray ang isang patient under investigation sa kanilang ospital.

Matapos mag-viral ang post, nagpadala naman daw ng 2 PPE ang municipal health office, na agad ding nagamit kaya ngayo'y wala na muling protective gear ang ospital.

Para sa mga nais magbigay ng PPE, maaaring makipag-ugnayan kay Depano sa numerong 09497964727 o sa ospital sa numerong 049-536-1982.

Samantala, sa Biñan City, patuloy ang pagtanggap ng ayuda ng mga residente mula sa pamahalaang lokal.

May 7,000 tricycle drivers ang nakatanggap ng tig-5 kilo ng bigas, face mask, at isang litro ng disinfectant.

Bahay-bahay din ang pamimigay ng relief goods sa mga residente ng 24 barangay ng lungsod.

Simula Lunes, ipatutupad ang total lockdown sa Biñan para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. -- Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.