Pekeng dentista, huli sa Iligan City | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pekeng dentista, huli sa Iligan City

Pekeng dentista, huli sa Iligan City

Angelo Andrade,

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 11, 2018 05:34 PM PHT

Clipboard

Samu't saring kagamitan ang nakita ng awtoridad sa clinic ng isang pekeng dentista na nahuli sa entrapment operation ng NBI, Marso 20, 2018 sa Iligan City. Angelo Andrade, ABS-CBN News

ILIGAN CITY – Arestado ang isang pekeng dentista sa isinagawang entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Barangay Tinapoy dito, Martes ng gabi.

Pinasok ng NBI ang bahay ng ginang matapos nitong tanggapin ang P250 na bayad para sa bunot ng ngipin.

Dito na tumambad ang clinic ng ginang sa loob lang ng kaniyang bahay kung saan matatagpuan ang makeshift dental chair, uniporme at iba pang mga instrumento na ginagamit ng mga dentista.

"’Yung babae kasi nagpapanggap siya na dentist for the longest time so naaktuhan natin siya na gumagawa siya ng trabaho ng dentista, hindi naman siya member ng PDA (Philippine Dental Association). At the same time, wala siyang PRC (Professional Regulation Commission) license," sabi ni Abdul Jamal Dimaporo, hepe ng NBI-Iligan.

ADVERTISEMENT

Aminado naman ang ginang na wala siyang lisensiya at sinundan lang ang naging trabaho din ng kaniyang pumanaw na asawa para itaguyod ang kaniyang mga anak.

Wala rin umanong lisensiya sa pagiging dentista ang pumanaw niyang asawa.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9484 o Philippine Dental Act of 2007 ang ginang.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.