19 patay, 21 sugatan sa aksidente sa Occidental Mindoro | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

19 patay, 21 sugatan sa aksidente sa Occidental Mindoro

19 patay, 21 sugatan sa aksidente sa Occidental Mindoro

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 21, 2018 07:10 AM PHT

Clipboard

(3rd UPDATE) Patay ang 19 katao habang 21 naman ang sugatan matapos mahulog ang kanilang sinasakyang bus sa bangin sa Sablayan, Occidental Mindoro Martes ng gabi.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nawalan umano ng kontrol ang drayber ng Dimple Star Transport bus habang binabagtas ang national highway ng Barangay San Agustin pasado alas-9 ng gabi.

Kuwento naman ng ilang nakaligtas na pasahero, nawalan umano ng preno ang bus habang patawid sa Patrick bridge kaya nahulog ito sa bangin.

Kabilang sa mga namatay ang drayber at kaniyang konduktor.

ADVERTISEMENT

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ayon kay Acris Panillo, head ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Sablayan, 17 ang hindi na umabot ng buhay nang dalhin sa San Sebastian District Hospital sa Sablayan. 6 na pasahero naman ang patuloy na ginagamot dito.

Nasa 15 pasahero naman ang dinala sa provincial hospital ng Occidental Mindoro habang 2 iba pa ang idineklarang patay.

Ani Panillo, may 38 na pasahero ang bus. Galing ito sa San Jose, Occidental Mindoro at papuntang Sampaloc, Maynila.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ayon naman kay Senior Supt. Romie Estepa, director ng Occidental Mindoro Provincial Police Office, iniimbestigahan pa nila ang sanhi ng aksidente.

"Hindi pa natin malaman kung human error o technical," aniya.

Nakikipag-ugnayan na rin sila sa Dimple Star Transport ukol sa aksidente.

Ani Estepa, 6 pa lang sa mga nasawi ang na-identify ngayong Miyerkoles ng umaga.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng ibang pasahero. - ulat ni Dennis Datu at Albert Lumbera, ABS-CBN New

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.