13 pawikan, sinagip sa El Nido | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

13 pawikan, sinagip sa El Nido

13 pawikan, sinagip sa El Nido

Hazel Salas,

ABS-CBN News

Clipboard

Courtesy of El Nido Municipal Police Station

PALAWAN — Labintatlong hatchling ng pawikan ang ibinigay kahapon sa mga pulis ng isang guwardiya sa isang resort sa El Nido.

Ayon kay Noriel Gavalez, 3 buwan na umano ang nakalipas nang madiskubre nila ng kanyang mga kasamahan ang mga itlog ng pawikan sa paligid ng resort.

Lunes ng gabi ay naalarma sila sa mga kahol ng aso, at nang sinilip nila ang dalampasigan ay nakita nilang napisa na ang mga itlog ng pawikan.


Dahil sa hindi naman umano nila alam kung saan ito dapat pakawalan ay minabuti na lang umano nilang i-turn over ang mga ito sa El Nido Municipal Police Station noong Huwebes.

ADVERTISEMENT

Ipinagbigay-alam din nila ito sa Palawan Council for Sustainable Development.

Ayon sa mga otoridad, pagpapakita umano ng malasakit sa ating kalikasan at pangangalaga sa mga buhay ang ginawa nina Gavalez, kaya’t nanawagan sila sa mga mamamayan na patuloy na makipagtulungan sa pamahalaan.

"Nananawagan po ako sa mga mamamayan na tumulong sa pagpoproteksyon ng ating mga lamang dagat," ani SPO4 Santos Narrazid, deputy chief ng mga pulis sa El Nido.

Dahil dito ay mas papatatagin umano ng mga otoridad sa El Nido ang kanilang information campaign sa pangangalaga hindi lamang sa kalikasan, kundi maging sa mga buhay ng iba pang marine species.

Ang mga pawikan ay itinuturing na endangered species, at iniingatan ng pamahalaan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.