Bangkay ng lalaking binaril sa ulo, natagpuan sa Laguna | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bangkay ng lalaking binaril sa ulo, natagpuan sa Laguna

Bangkay ng lalaking binaril sa ulo, natagpuan sa Laguna

Dennis Datu,

ABS-CBN News

Clipboard

Isang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki ang natagpuan, Miyerkoles ng madaling araw sa San Pedro City, Laguna.

May tama ng bala ng baril sa ulo ang biktima na nakasuot ng puting longsleeves at brown na shorts, ani Police Lt. Col Giovanni Martinez, hepe ng San Pedro City Police.

Isang traysikel drayber ang nakakita sa bangkay ng biktima sa gilid ng Emelda Avenue sa Barangay Langgam, ani Martinez.

Nakapiring ang mga mata ng electrical tape at nakatali din ang kamay at paa ng electrical tape, dagdag ng opisyal.

ADVERTISEMENT

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang kaso.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.