Sunog, sumiklab dahil sa nasirang tangke ng gasul sa Baguio

Marianne Claire Reyes, ABS-CBN News

Posted at Mar 20 2018 09:51 AM

BAGUIO CITY - Nasunog ang 2 establisyimento sa Post Office Loop, Baguio City, Lunes.

Nagsimula ang sunog sa isang kainan kung saan naputol ang hose ng isang tangke ng gasul.

Ayon sa isang namamasukan sa kainan, sumiklab ang apoy dahil mayroong nakabukas na kalan nang maputol ang tangke ng gasul habang pinapalitan niya ito.

Kumalat ang apoy papunta sa katabing printing shop.

Walang nasaktan sa insidente at naapula ang apoy matapos ang isang oras.

Iniimbestigahan pa ng mga bumbero ang insidente at ang halaga ng mga napinsalang ari-arian.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.