Magsasaka patay nang suwagin ng kalabaw | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

Magsasaka patay nang suwagin ng kalabaw

Magsasaka patay nang suwagin ng kalabaw

Mitch Lipa,

ABS-CBN News

Clipboard

TALISAY CITY, Negros Occidental - Patay ang isang magsasaka matapos suwagin ng isang kalabaw Martes ng madaling araw sa isang hacienda sa Talisay City.

Kinilala ang biktima na si Juan Marcelo. Nakita ang bangkay niya na may sugat sa tiyan.

Ayon sa isa sa mga kasamahan ng biktima, tuwing alas-dos ng madaling araw siya nagsisimulang magtrabaho. Ginigising na rin niya ang kalabaw at nilalagyan ng karuwahe na siyang pagkakargahan ng tubo.

"Halog guro ang iya kamot nga naga uyat sang kalat mo, ang kapot ya bala halog guro," ani Joereme Marcelino.

ADVERTISEMENT

(Maluwag siguro ang pagkakatali niya sa kalabaw kaya nagawa pa rin nitong magwala.)

Dagdag pa ni Marcelino, maaring maluwag ang pagkakalagay ng lubid sa karuwahe kaya't nagawa pa rin ng kalabaw na suwagin si Marcelo.

Ayon naman sa timekeeper ng hacienda na si Bonifacio Gallo, ilang beses na nilang pinaalalahanan si Marcelo na mag-ingat sa kalabaw. Matanda na kasi ito at tila nagpapakita na ng senyales na tila nagagalit na kapag napapagod.

Pinagalitan at pinilit umano ni Marcelo na ikabit sa kalabaw ang karuwahe kaya't nagwala ito.

Ayon sa provincial veterinarian na si Renante Decena, kinakailangang maging mapagmatyag sa pagbabantay ng mga kalabaw.

Nakakaapekto umano sa pag-uugali ng mga hayop ang mainit na panahon. Maari ring maging mabangis ang mga hayop na kulang sa pahinga at tubig, at kung nakakaranas ng pananakit mula sa mga tao.

Agad na ibinenta sa slaughter house ang kalabaw Martes ng umaga.

Pinaalalahanan naman ang mga ibang magsasaka na bigyan ng sapat na pahinga ang mga kalabaw para maiwasan na maulit ang insidente.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.