Pulis patay matapos sumalpok ang motorsiklo sa poste sa Isabela | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pulis patay matapos sumalpok ang motorsiklo sa poste sa Isabela

Pulis patay matapos sumalpok ang motorsiklo sa poste sa Isabela

ABS-CBN News

Clipboard

Kuha sa Quezon Police Station

Nasawi ang isang pulis matapos na sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa konkretong poste sa bayan ng Quezon, Isabela, Sabado ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Police Cpl. Saveric Tagao, 30, na nakatalagang patroller ng Mallig Police Station.

Ayon kay Police Maj. Roberto Valiente, hepe ng Quezon Police Sation, patungong hilagang direksyon ang pulis sakay ng kaniyang motorsiklo nang sumalpok ito sa isang kilometer post sa gilid ng kalsada sa Brgy. Alunan.

Sa lakas ng pagbangga, tumilapon ang biktima na nagtamo ng malalang pinsala sa ulo at naging dahilan ng agaran niyang pagkamatay.

ADVERTISEMENT

Napag-alamang walang suot na helmet ang pulis nang mangyari ang aksidente.

Lumabas din sa imbestigasyon na walang ibang sangkot na sasakyan sa pagkamatay ng biktima, taliwas sa naunang naiulat ng Quezon Police.

Tinitingnan din ang isang dahilan ng aksidente ay ang kawalan ng ilaw sa lugar.

Patuloy rin ang imbestigasyon ng Quezon Police. -- Ulat ni Harris Julio


MULA SA ARKIBO

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.