Boracay magpapa-saliva test ng kanilang mga turista | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Boracay magpapa-saliva test ng kanilang mga turista

Boracay magpapa-saliva test ng kanilang mga turista

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Nagpasya ang lokal na pamahalaan ng Boracay na gumamit ng saliva RT-PCR bilang requirement para sa mga turistang papasok ng isla.

Inaprubahan ng Boracay Inter-Agency Task Force ang saliva test, na dapat mga taga-Philippine Red Cross at iba pang accredited na test laboratories ang magsagawa.

Ayon sa Department of Tourism, handa rin umano nilang pondohan ang mga aparato sa pag-RT-PCR o gene expert machine kung nanaisin ng lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan.

"The Department of Tourism (DOT) welcomes the approval of the saliva RT-PCR test as an alternative to the nasopharyngeal swab RT-PCR as one of the entry requirements to the island," ayon sa DOT sa isang pahayag.

ADVERTISEMENT

Kasabay nito, inirekomenda rin ng Tourism department sa IATF na payagan na rin ang mga 15 anyos pababa at 65 anyos pataas mula sa Metro Manila na makapasok din sa Boracay basta’t mayroong valid na plane ticket ang pasahero.

"The Department likewise has recommended to the IATF that persons below 15 and above 65 years old traveling from Manila to Boracay should not be restricted from going to the airport and flying since Boracay is under modified general community quarantine (MGCQ), as long as the passenger has a valid plane ticket," anila.

Muli namang nagpaalala ang DOT sa mga turista at sa mga stakeholders na mahigpit na sundin ang minimum health and safety protocols gaya ng pasusuot ng facemask, face shield, physical distancing.

Anila, dapat ay mag-book lamang sa mga accredited establishments para na rin sa kanilang proteksiyon.

Umapela rin ang DOT sa mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensiya ng pamahalaan para sa estriktong monitoring at implementasyon ng mga umiiral na protocols ng pamahalan.

Isa ang Boracay sa mga tourist spot na bukas habang may coronavirus disease (COVID-19) pandemic, sa layuning maibangon ang ekonomiyang naapektuhan ng mga nagdaang lockdown restrictions.

-- Ulat ni Johnson Manabat, ABS-CBN News

KAUGNAY NA VIDEO:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.