Barangay chairman sa Leyte, patay sa pamamaril | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Barangay chairman sa Leyte, patay sa pamamaril

Ranulfo Docdocan,
ABS-CBN News
Published Mar 18, 2019 07:33 PM PHT
|
Updated Mar 18, 2019 08:04 PM PHT

ALANGALANG, Leyte - Patay sa pamamaril noong Linggo ang barangay chairman ng Barangay Buri sa bayan ng AlangAlang, Leyte.

Kinilala ang biktima na si Virgilio Vergara.

Ayon kay Police Capt. Ambrocio Demain, hepe ng AlangAlang Police, nangyari ang pamamaril pasado alas-5 ng hapon.

Papuntang Barangay Cogon ang biktima at angkas sa motorsiklo ang asawa nitong si Corazon Vergara nang mangyari ang pamamaril.

ADVERTISEMENT
Sinalubong ng isang lalaki ang mag-asawa at pinagbabaril sa lugar na malayo sa mga kabahayan.

Nakatakbo at nakahingi ng saklolo si Corazon pero namatay agad si Virgilio.

Napag-alaman rin ng pulis na bago pa ang pamamaril ay may isang lalaking nakasuot ng itim na bonnet ang pabalik-balik sa lugar na pinangyarihan ng krimen.

Nananawagan ang pamilya Vergara ng hustisya sa pagkamatay ni Virgilio. Kasalukuyan namang ginagamot sa ospital si Corazon matapos tamaan ng bala sa dibdib.

Patuloy ang imbestigasyon sa krimen.
Patuloy ang imbestigasyon sa krimen.
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT