Umano'y hitman at pusher, patay sa engkwentro | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Umano'y hitman at pusher, patay sa engkwentro

Umano'y hitman at pusher, patay sa engkwentro

Angel Movido,

ABS-CBN News

Clipboard

Patay ang isang hinihinalang hitman at tulak ng droga matapos maka-engkwentro ng mga pulis sa Laguna St., Brgy. 228. Tondo, Maynila

Kinilala ang suspek na si Arbel Boy Aquino, alyas sundalo, na napag-alamang suspek din sa pagpatay sa dalawang babae sa Old Antipolo St. Corner Jose Abad Santos Avenue kamakailan.

Ayon kay Supt. Alex Daniel, hepe ng Manila POlice District Station 7, nakatanggap sila ng impormasyon na namataan sa lugar ang suspek kung kayat agad pinuntahan ito ng mga pulis.

Sinubukan pa daw magtago sa bubong ng suspek at nang pababain ay pumasok pa sa isang kwarto at nagtulug-tulugan.

ADVERTISEMENT

Nagpumiglas ang suspek nang aarestuhin at umano'y bumunot ng dalang baril at nakapagpaputok.

Tinamaan sa kanang hita ang isa sa mga pulis kung kayat napilitan daw gumanti ng putok ang mga otoridad na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.

Narekober mula sa suspek ang isang kalibre 45 baril at tatlong sachet ng hinihinalang shabu.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.