Ilang tagasuporta ni Duterte, nagprotesta laban kay Robredo | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang tagasuporta ni Duterte, nagprotesta laban kay Robredo

DZMM
Published Mar 18, 2017 01:34 PM PHT
|
Updated Mar 18, 2017 04:35 PM PHT

MANILA (UPDATED)- Nagprotesta ang ilang tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa opisina ni Bise Presidente Leni Robredo nitong Sabado ng umaga.

Nasa 20 miyembro ng pro-Duterte group, sumugod sa tanggapan ni VP Robredo; pagbibitiw sa puwesto ni Robredo, iginiit. pic.twitter.com/9aOvLoR6pl
— jeff hernaez (@jeffreyhernaez) March 18, 2017

Dala ang ilang placard at tarpaulin, 20 miyembro ng isang pro-Duterte group ang nagtungo sa opisina ni Robredo sa New Manila, Quezon City upang hingin ang pagbaba nito sa puwesto.

Isa rin sa mga nakilahok sa protesta ang aktres na si Vivian Velez.

Sigaw nila, "Leni, Leni umalis ka na!".
Sigaw nila, "Leni, Leni umalis ka na!".
ADVERTISEMENT
Hindi naman nagdulot ng abala sa trapiko ang protesta.

Noong Biyernes, sinabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez na pinag-aaralan niya ang posibilidad ng pagsasampa ng impeachment complaint laban kay Robredo dahil umano sa betrayal of public trust sa video message ni Robredo sa United Nations Commission on Narcotic Drugs.

Una nang sinabi ng tagapagsalita ni Robredo na si Georgina Hernandez na tanging katotohanan lamang ang binanggit ni Robredo sa video at hindi ipinahiya ang bansa sa harapan ng international community.

Itinanggi naman ni Robredo na may kinalaman siya sa impeachment complaint laban kay Duterte.