Mga bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, posibleng maging record-breaking: Duque | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, posibleng maging record-breaking: Duque

Mga bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, posibleng maging record-breaking: Duque

Joyce Balancio,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Nagbabala si Health Secretary Francisco Duque III na hindi malayong magkaroon ng record-breaking na mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa kung hindi mapipigilan ang pagkalat ng virus sa mga susunod na araw.

Sinabi ito ng kalihim matapos iprisinta kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pulong ng Inter-Agency Task Force ang mga kaso ngayon ng COVID-19 na umabot na sa mahigit limang libo kada araw.

"Pinapakita na malapit na pong umabot doon sa ating first surge noong nangyari July, August and September. So kinakailangan ho talaga mahinto itong mga kasong ito. At kung hindi po ay baka lumagpas pa tayo, mas mataas pa doon sa ating July, August peak of COVID cases," aniya.

Ang National Capital Region, Cordillera Administrative Region at Region 7 ang may pinakamataas na health care utilization rate na nasa pagitan ng 47 hanggang 56 porsyento pero maituturing pa rin na nasa low risk classification ang mga ito ayon kay Duque.

ADVERTISEMENT

Pagdating sa UK variant, nakita ang mga kaso rin nito sa NCR at CAR, pero inaalam pa ng DOH kung may kaugnayan ito sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa dalawang rehiyon.

“We don't know if this is a factor that has influenced the increase in the number of cases in the NCR and CAR or is this a coincidental finding or it is among the several possible factors that have caused the spikes in COVID cases," ani Duque.

Pero ang natitiyak ni Duque, tumaas ang kaso ng COVID-19 dahil sa pagluluwag ng ekonomiya.

“So ang tingin po namin, ang mga sumusunod na mga kadahilanan na tumaas po ang mga kaso: Number one, increased mobility dahil po nagluwag tayo ng ating mga quarantine restrictions. Pangalawa, binuksan po natin ang mga malaking bahagi ng ating ekonomiya. At dahil po rito, ang mobility tumaas; ang transmission rate, tumaas; ang contact rate, tumaas. Kaya ito po ang mga kadahilanan na kung bakit sumipa po ang ating mga kaso sa NCR and CAR and also in the other regions," aniya.

Sa kabila naman ng pagtaas ng kaso ng COVID-19, bumababa naman ang death curve o bilang ng mga namamatay sa sakit sabi ni Duque.

Gayunman, mahalaga aniya ang papel ng DILG at LGUs sa pagkontrol ng COVID-19, lalo na sa aspeto ng contact tracing at testing.

“Hanapin na po nila sa mga komunidad sa tulong ng barangay health emergency response teams iyon pong mga tao na nagpapakita ng sintomas at sila po ay kung maaari ilabas na po kaagad at i-isolate para hindi na po makapanghawa. I-test po kaagad at magsagawa na kaagad ng aggressive contact tracing para nang sa ganon iyon pong mga nakasalamuha ay ma-quarantine na at hindi na po makapanghawa pa sa mga ibang mamamayan sa kanila pong mga komunidad. So iyan po. Iyong iba napanatili po nating mababa," aniya.

RELATED VIDEO

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.