Lalaki, binaril sa loob ng barangay hall | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaki, binaril sa loob ng barangay hall

Lalaki, binaril sa loob ng barangay hall

Albert Lumbera,

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 30, 2018 05:40 PM PHT

Clipboard

Dead on the spot si Miguel dela Cruz, asawa ng kasalukuyang barangay captain ng Barangay Pansol, matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin, Marso 14, 2018 sa Calamba City. Photo courtesy of the Calamba City Police

CALAMBA CITY – Patay ang asawa ng isang barangay captain matapos barilin sa loob mismo ng barangay hall ng Barangay Pansol dito sa siyudad, Miyerkoles ng gabi.

Sa upuan na binawian ng buhay ang 55-anyos na si Miguel dela Cruz matapos siyang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin pasado alas-9 ng gabi.

“’Yung ating biktima ay nasa loob ng mismong reading center po ng nasabing barangay at bigla na lang pong dumating itong dalawang [salarin] na hanggang sa ngayon po ay hindi pa natin nakilala,” ayon kay Senior Insp. Evangeline Lantican.

Si Dela Cruz ay mister ng kasalukuyang barangay captain ng Barangay Pansol.

ADVERTISEMENT

Nagtamo ng ilang tama ng bala sa kanang bahagi ng kaniyang baba at balikat ang biktima na agad nitong ikinamatay.

Base sa tala ng pulisya, dati nang labas-masok ang biktima sa kulungan dahil sa pagkakasangkot umano sa mga ilegal na gawain.

“Hindi lang po natin ma-identify o ma single-out kung ano itong ilegal na aktibidades ng ating biktima,” dagdag ni Lantican.

Wala namang matukoy pa na motibo ang pulisya sa pagpaslang sa biktima pero patuloy ang kanilang imbestigasyon sa insidente.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang pamilya ng biktima.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.