'Tulak', patay sa engkuwentro sa QC; 3 iba pa, tiklo

ABS-CBN News

Posted at Mar 15 2018 04:43 AM

Patay ang isang umanong drug suspect sa engkuwentro laban sa mga pulis sa Barangay Payatas, Quezon City.

Nagsagawa ng buy-bust operation ang Batasan Police Station laban sa suspek.

Nagpaputok ang suspek nang makaramdam na pulis ang kaniyang katransaksiyon. Nagpaputok rin ang kasamahan nito.

Nauwi ito sa engkuwentro kung saan natamaan ang suspek na dahilan ng agaran nitong pagkamatay. Sugatan naman ang kaniyang kasamahan.

May nahuli rin ang mga pulis na 2 iba pa na naaktuhang gumagamit ng droga.

Ayon kay Supt. Rosel Cejas, hepe ng Batasan Police Station, kilalang tulak ng ilegal na droga ang suspek.

Nasamsam ng mga pulis ang 15 sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P10,000. - ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.