Labor group humirit ng P470 umento sa sahod | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Labor group humirit ng P470 umento sa sahod

Labor group humirit ng P470 umento sa sahod

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 14, 2022 07:58 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

(UPDATE) Naghain na ng petisyon ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) para itaas ang minimum na sahod ng mga manggagawa sa harap ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Sa panayam ngayong Lunes sa Teleradyo, sinabi ni TUCP spokesperson Alan Tanjusay na P470 ang wage hike na inihirit ng grupo para sa mga manggagawa sa Metro Manila.

Maiaangat umano nito sa P1,007 kada araw ang minimum wage mula sa kasalukuyang P537.

"Non-negotiable po ito at baka pagalitan ho tayo ng mga manggagawa," ani Tanjusay.

ADVERTISEMENT

Iginiit ni Tanjusay na napakaliit na ng natitira sa sahod ng mga manggagawa bunsod ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

"Matagal-tagal na ring walang dagdag na sahod 'yong mga manggagawa at napakaliit na ng take-home pay," aniya.

Umaasa umano ang TUCP na bago mag-Semana Santa ay may desisyon na ang wage board dito.

Matapos umanong ihain ang petisyon, inaasahang magpapatawag ng konsultasyon ang wage board sa mga negosyante at employer, at hiwalay na pulong kasama ang mga manggagawa.

Sa isang online press conference, sinabi naman ni Labor spokesperson Rolly Francia na suportado ng kanilang ahensiya ang panukala ng TUCP na taasan ang minimum wage sa Metro Manila.

Naniniwala si Labor Secretary Silvestre Bello na kailangan nang i-review ang kasalukuyang minimum wage dahil hindi na ito sapat para sa pangangailangan ng mga manggagawa, ani Francia.

Nauna nang inutusan ni Bello ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board na madaliin ang pag-aaral sa pagtataas sa minimum wage.

— May ulat ni Jasmin Romero, ABS-CBN News

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.