Ilang bayan sa Aklan, binaha matapos ang walang tigil na pag-ulan dulot ng LPA | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang bayan sa Aklan, binaha matapos ang walang tigil na pag-ulan dulot ng LPA

Ilang bayan sa Aklan, binaha matapos ang walang tigil na pag-ulan dulot ng LPA

ABS-CBN News

Clipboard

AKLAN - Ilang bayan sa lalawigang ito ang binaha matapos ang walang tigil na pag-ulan dulot ng low pressure area (LPA), Sabado ng umaga.

Dahil sa lakas at walang tigil na pagbuhos ng ulan ay umapaw ang ilang ilog, dahilan para bahain ang ilang lugar sa probinsya.

Ilog sa Ibajay, umapaw dahil sa pag-ulan. Photo courtesy of PB, Ermar Fernandez Sitjar.

Ilog sa Ibajay, umapaw dahil sa pag-ulan. Photo courtesy of PB, Ermar Fernandez Sitjar.

Ilog sa Ibajay, umapaw dahil sa pag-ulan. Photo courtesy of PB, Ermar Fernandez Sitjar.

Aklan River sa Libacao, Aklan, umapaw. Photo courtesy of Win Frugal.

Aklan River sa Libacao, Aklan, umapaw. Photo courtesy of Win Frugal.

Banga, Aklan. Photo courtesy of Joanie Teodosio Masinda.

Banga, Aklan. Photo courtesy of Joanie Teodosio Masinda.

Batan, Aklan. Photo courtesy of Ryan Bautista.

Batan, Aklan. Photo courtesy of Ryan Bautista.

Malinao, Aklan. Photo courtesy of MDRRMO, Malinao, Aklan.

Malinao, Aklan. Photo courtesy of MDRRMO, Malinao, Aklan.

RELATED LINK:

Sa bayan ng Batan, umapaw na sa kalsada ang baha kaya stranded ang mga malilit na sasakyan.

Sa Banga naman, umapaw na ang tubig sa ilog at pinasok na ng tubig baha ang ilang bahay na malapit dito.

ADVERTISEMENT

Pinasok din ng baha ang mga bahay at pati na ang paaralan sa bayan ng Malinao.

Samantala, sa Ibajay naman ay umapaw rin ang ilog at binaha ang ilang kalsada at kabahayan.

Inabisuhan ng PDRRMO Aklan ang mga residenteng nakatira sa gilid ng mga ilog na maging alerto at kung kakailanganin ay lumikas na at pumunta sa mga evacuation area ng kanilang lugar.

Wala pang naitalang nailikas ang mga awtoridad sa mga oras na ito.

RELATED VIDEO:

Watch more in iWantv or TFC.tv

-- Ulat ni Rolen Escaniel

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.