Lalaki patay sa pamamaril sa Ilocos Sur | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaki patay sa pamamaril sa Ilocos Sur

Lalaki patay sa pamamaril sa Ilocos Sur

ABS-CBN News

Clipboard

Kuha ng Sinait PNP

SINAIT, Ilocos Sur - Patay ang isang 33-anyos na lalaki nang pagbabarilin siya sa Barangay Sapriana sa bayan ng Sinait Huwebes ng umaga.

Base sa imbestigasyon, nag-aayos ng kaniyang motorsiklo ang biktima sa harap ng kanilang bahay sa nasabing barangay nang biglang may lumapit sa kaniya na dalawang lalaki at dito na siya pinagbabaril.

Ayon sa hepe ng Sinait Police Station na si Police Lt. Joel Idica, naka-hoodie jacket, sumbrero, at facemask ang dalawang salarin.

"May kinukuha siya sa isang motor na kinukumpuni niya at tapos ay biglang dumating. Lumapit 'yong dalawang lalaki. Hindi naman sila nagmotor, naglakad lang. Agad-agad pinaputukan na siya," ani Idica.

ADVERTISEMENT

Itinakbo sa ospital ang biktima pero nasawi rin habang siya ay ginagamot. Nagtamo siya ng tama ng baril sa kanang balikat at kanang kamay.

Limang basyo ng kalibre .45 ang narekober sa crime scene.

Taong 2016 nang sumuko umano ang biktima dahil sa ilegal na droga.

"Sa motibo ay marami tayong tinitignang anggulo kasi nasasangkot siya sa mga kaguluhan. Dati siyang drug surrenderer, malimit na lasing, nanggugulo — parang ganun siya," ani Idica.--Ulat ni Grace Alba

MULA SA ARKIBO

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.